IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Answer:
Lahat ng tao ay may pangarap sa buhay. Lahat ay may mga bagay na nais makamtan, lugar na nais mapuntahan, at mga pangyayaring nais maranasan. Sa pagkamit natin ng ating mga pangarap, mayroon tayong mga bagay na nagtutulak sa atin para magpatuloy lang at huwag sumuko. Inspirasyon. Sa pag-abot ko ng aking mga pangarap sa buhay, ang mga magulang ko lagi ang nasa isip ko. Sila ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagkamit ng mga pangarap ko.
Mula pagkabata, pangarap ko na talagang yumaman. Gusto kong tumigil na sa pagtratrabaho ang mga magulang ko at ako na lamang ang magtrabaho sa kanila. Alam kong hirap sila sa pagtratrabaho para lang may makain at makapag-aral kami kaya naman pinagbubuti ko ang pag-aaral ko para magkaroon ako ng magandang kinabukasan. Mahirap man ay kinakaya ko pa rin para sa mga pangarap ko. Lagi kong inisip ang mga magulang ko na siyang ginagawa kong inspirasyon para makamit ko ang mga ito. Minsan ay gusto ko ng sumuko pero kapag naiisip ko ang mga hirap na pinagdaanan nila para sa akin ay nagkakaroon ako ng panibagong lakas para harapin muli ang mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Naisip kong sumusuko ako sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng kaunting hirap kumpara sa mga sakripisyo nila para sa akin kaya naman bumabangon ako lagi para magpatuloy. Babangon at babangon akong muli at magpapatuloy para sa mga inspirasyon ko sa buhay hanggang sa maabot ko na ang mga pangarap ko.
Bawat tao ay may inspirasyon na nagtutulak sa kanila para abutin ang kanilang mga pangarap o para gawin ang isang bagay. Minsan ideya, lugar o bagay pero madalas ay tao. Mga taong nandiyan lagi at sumusuporta sa atin para maging mas umayos o gumanda ang ating buhay o pakiramdam. Mga taong nagpapaalala sa atin na walang imposible at naniniwala sa atin na kaya natin.
-----------------------------------------------
Para sa kahulugan ng sanaysay at mga parte nito, puntahan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/138575
#BrainlyLearnAtHome
#AnswerForTrees
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.