7. Matapos ang mga Digmaang Pandaigdig ay nabuo ang iba't-ibang ideolohiya o kaisipan
na humubog sa uri ng pamahalaan, ekonomiya at kasaysayan ng mga bansa sa Asya. Isa
na rito ang demokrasya. Alin sa mga pahayag ang nagpapakilala ng ideolohiyang ito?
A. Isang sistema ng pamahalaan na mga mamamayan ang humahawak ng
kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kinatawan na pinili nila sa malayang halalan.
B. Isang doktrinang pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan na hangarin sa
pagkakapantay pantay ng mga klase sa lipunan sa pamamagitan ng pag-aalis ng
pribadong pagmamay-ari ng mga paraan ng paggawa.
C. Isang panlipunan at pang-ekonomiyang doktrina kung saan ang salik na
produksyon ay nasa ilalim ng pangangalaga ng estado o ng pamahalaan.
D. Isang sistema ng lipuan kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang
tao upang magkaroon ng tubo o interes.