IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang kabuluhan ng planetang daigdig,mantle,plate,pagligid sa araw,longitude at
latitude

Sagot :

Ano ang kahulugan ng mga sumusunod

  1. Planetang daigdig
  2. Mantle
  3. Plate
  4. Pagligid sa araw
  5. Longitude
  6. Latitude
  • Planetang Daigdig

Ang daigdig ay isa sa walong planeta umiikot sa isang malaking bituin ang  araw na kung saan bumubuo sa solar system na kung saan ang lahat ng nabubuhay sa daigdig ay kumukuha ng enerhiya sa araw. na kung saan ang lahat sa kalikasan at kapaligiran klima at panahon ay naapektuhan ng araw . Ang daigdig ang natatanging pwedeng panahanan  ng mga tao at hayop dito rin nabubuhay ang ibat-ibang uri ng halaman.

  • Mantle

ito ay ang mga  patong  ng mga batong kung saan ay napakainit kaya naman malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.

  • Plate

ito ay tumutukoy sa malaking masa ng solidong bato sa daigdig na kung saan ito ay hindi nananatili sa kanyang posisyon, Bagkos ang mga ito ay gumagalaw na animo ay mga balsang inaanod sa mantle.

  • Pagligid sa araw

Napakahalaga ng pagligid ng daigdig sa araw sapagkat dahil dito ay nagkakaroon tayo ng ibat-ibang klima kung saan makakatulong sa mga halaman upang mabuhay na maaring ring maging dahilan ng paglago ng ekonomiya. alam nyo bang lumiligid ang daigdig paikot sa araw na mayroong bilis na 66,700 mph milya bawat oras at 107,320 km naman bawat oras. Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa loob ng 35 na araw limang oras 48 minuto at 46 sigundo.

  • Longitude

ito ay tumutukoy sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng prime meridian. Ito rin ang mga bilog na tumatahak mula sa North Pole patungo sa South Pole.

  • Latitude  

ito naman ay tumutukoy sa distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog Equator.

Buksan para sa karagdagang kalaman

imahinasyong guhit na naghahati sa daigdig sa magkaibang araw https://brainly.ph/question/597796

planetang daigdig https://brainly.ph/question/139046

kontinenteng bumubuo sa daigdig https://brainly.ph/question/1479184