Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Kahulugan ng “Matigas ang loob”
Ang “matigas ang loob” ay may kahulugan na matapang, matatag ang loob, hindi madaling madala sa kanyang damdamin, walang-awa, at hindi madaling magpatawad o hindi madaling makalimot sa kasalanan ng ibang tao.
Kasingkahulugan ng “matigas ang loob” ay matigas ang puso.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng matigas ang loob, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/596563
Matigas ang loob at Kabaitan
Hindi ibig sabihin na kapag matigas ang loob ng isang tao ay wala na itong kabaitang taglay.
Matagal lamang magpatawad o magtiwala pero kalaunan e lalambot din ang puso at muling magpapatawad at magtitiwala sa mga taong karapat-dapat.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa matigas ang loob at kabaitan, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1495295
Kahulugan ng “matigas na kalooban”
Ang “matigas na kalooban” ay halos kapareho lamang ng “matigas ang loob” na may ibig sabihin na matapang. Ang ibig sabihin din nito ay hindi natatakot sa anumang pagsubok ang dumating sa kanya, mahirap man yan o madali.
Ang “matigas ang loob” at “matigas na kalooban” ay ilang halimbawa lamang ng idyomatikong pahayag.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng matigas na kalooban, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/678128
Mga halimbawa ng mga idyomatikong pahayag:
- Pusong Mamon - mabait
- Bukas ang dibdib - maawain
- Matalim ang dila – masakit magsalita
- Agaw buhay - naghihingalo
- Hawak sa leeg – sunud-sunuran o kontrolado
- Butas ang bulsa – walang pera
Kahulugan ng Idyoma
Ang idyoma ay:
- isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal
- hindi binubuo ng tumpak na kahulugan
- di-tuwirang pagbibigay kahulugan, pagpapakita ng kaisipan, at kaugalian ng isang lugar
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.