IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
ANSWER:
Ano ang Panghalip?
Ang panghalip ay salitang pamalit sa pangngalan.
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan, niya, ayan, hayan, diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)
Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)
Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang
5. Panghalip na Pamanggit
Halimbawa: na, -ng
HALIMBAWA NG PANGHALIP NA GINAGAMIT SA PANGUNGUSAP:
- Ako ay kumain muna bago umalis ng bahay.
- Kasama ko ang aking alagang si bantay.
- Ito ang dapat mong itanim tuwing Mayo.
#carryonlearning
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.