Maayos na kapaligiran, Hangad ng
Sinuman
Isinulat ni Agnes D.
Nocos
Ohh... anong sarap ng aking gising!
Dahil ako'y nakatulog nang mahimbing
Tila mga kapitbahay at kasama sa
bahay Kagabi'y tahimik, di gumawa ng
ingay.
Hmmm... sarap langhapin Sariwang
hangin mula sa hardin Malinis,
maaliwalas at maayos Kapaligirang
likas at handog ng Diyos.
Patuloy tayong magkaisa at magtulungan Panatilihing
tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran Hindi lang
pansarili, kundi pandaigdigang tagumpay Ang
makakamtan ng ating buhay.
Salamat kapamilya at kapuwa
ko
Salamat sa pakikiisa
ninyo
Ating ipagpatuloy, pagiging
disiplinado
Palaging isaisip ang mabuting pakikipagkapuwa -tao.
Mga Gabay ng Tanong:
1. Anong mensahe ang nais ipaabot ng tula?