Ang interbensyon ng mga tao ay nagdulot ng panganib sa kapaligiran ng bansang Malaysia. Ang agrikultura, palagubatan at urbanisasyon ay naging kontribusyon sa pagkasira ng gubat, bakhawan at ang ilang mga paunlad na ecosystem. Ang anyong lupa at tirahan ng mga buhay hayop at halaman ay nabago kasabay sa pag-unlad ng tao. Ilan sa mga pagbabagong ito ay ang pagpapatayo ng gusali at paggawa ng kalsada at iba pang impastraktura. Dahil sa mga pagbabagong ito, nagdulot ito ng polusyon sa hangin at greenhouse effect.