Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Answer:
Bahagi ng paikot na daloy o modelo ng ekonomiya ang sambahayan. Mayroon itong mahalagang ginagampanan sa ating ekonomiya.
Una, ang sambahayan ay ang konsyumer ng mga produkto, serbisyo, at kalakal na nalilikha ng bahay-kalakal at mga produktong mula sa panlabas na sektor. Sila ang nagtatakda ng demand na kailangan bunuin ng bahay-kalakal.
Ikalawa, ang mga nasa sambahayan din ang nagbibigay ng salapi sa mga bahay-kalakal upang lumikha ng produkto. Ang mga ipinambibili nila ay siyang ginagamit na pera ng mga kompanya o bahay-kalakal.
Panghuli, ang mga nasa sambahayan din ang suplayer ng mga kailangan sa produksiyon. Ang mga taon sa sambahayan ay nagtatrabaho sa mga bahay-kalakal upang makabuo ng produkto at kumita ng salapi.