Ang
pandiwa ay maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari. Ginagamit
ito bilang aksyon kapag may tagaganap o aktor ng kilos.
Malinaw itong nakikita
sa pamamagitan ng panlaping magma, mang, maki at marami pang iba.
Halimbawa: Kumain si Nene ng mainit na puto.
Ang pandiwa
bilang karanasan naman ay kadalasang naipapahayag kapag may damdamin ang
pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o damdamin na nakapaloob sa
pangungusap.
Halimbawa: Umiyak si Ana ng dahil sa pagkamatay ng alaga.
Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay nasasalamin sa aksyong
naganap bunga ng isang pangyayari.
Halimbawa: Nahulog siya sa kahoy dahil sa lindol