Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang kultural na pagbabago ng lahing Pilipino ay batay sa relihiyon. Ang edukasyon ay pinamahalaan ng mga pari sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga paaralang parokya (paaralan ng simbahan) na siyang naging isang paaralang itinatag sa Cebu.
Ang pagtatag ng mga paaralan ay isang paraan upang maitanim sa isipan ng mag-aaral ang Kristiyanismo.
- Ang paaralang primarya para sa mga batang katutubo ay naitatag lamang sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mga aralin ay nakasentro sa relihiyon, bagamat itinuturo rin ang kagandahang-asal, pagbasa, pagsulat, pagbilang, musika, Doctrina Christiana, at mga kasanayang nauukol sa pamumuhay at pamamahay. Sinabi ni Padre Pedro Chirino na ang mga Pilipino ay matatalino; madali nilang natutunan ang wikang Kastila at pagbigkas nito. Madali rin nilang natutunan ang kahit ano.
Nagtatag din ng mataas na paaralan ang pamahalaang Kastila upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Noong taong 1565 dumating ang mga Agustino, Sumunod ang mga Pransiskano noong 1577. Dumating sa Marikina ang mga Hesuita noong 1581. Ang mga Dominikano naman ay dumating noong 1587 at ang mga Rekolito noong 1606.
#CARRYONLEARNING
#BRAINLEST ME
#FOLLOW
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.