IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Imperyong Chaldean - Nagmula sa angkan ng mga Babylon ang mga Chaldean. Noong 612, natalo nila ang mga Assyrian at sinira ang Nineveh, ang kapital ng Syria. Sumikat ang mga Chaldean sa pamumuno ni Nebuchadnezzar. Sinakop nila ang Syria, Palestine at Ehipto. Simula noon hindi na bumalik ang mga Assyrian.
Ambag sa Kabihasnan
• Ang Hanging Gardens of Babylon ang isa sa pinakanakakahangang tanawin sa sinaunang panahon.
• Ang mga Chaldeans ang luminang ng konsepto ng zodiac at horoscope
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad
• Ang pamumuno ni Haring Nebuchadnezzar ang nagdala sa mga Chaldean sa rurok ng tagumpay. Pumili siya ng matatalinong kabataan mula sa mga sinakop na lupain upang maging katulong niya sa pamumuno.
Pagbagsak:
• Tanging si Nebuchadnezzar II lamang ang naging malakas na hari ng mga Chaldean. Sa kanyang pagkamatay, mahihinang hari na ang namuno sa Chaldean. Sa karangyaan, kasaganaan, at kasayahan lamang sila nakatuon. Hindi nila napatatag ang ekonomiya, pulitika, at sandatahan. Nang lumusob ang mga Persiano noong 529 B.C. mabilis na nagapi ang mga Chaldean na naging simula ng pagbagsak ng imperyo nito.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.