IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Can someone help please meron na kong nasulat kaya lang kulang kailangan po kasi mahaba. (ESSAY Tagalog).
Gumawa ng liham pasasalamat para sa magulang at Isulat lahat ng gusto mong ipagpasalamat sa kanya.
- NO NONSENSE ANSWERS PLEASE TY! ! ! ​I will mark as a brainlliest. Nonsense report.

Sagot :

Answer:

Mahal kong mga Magulang,

Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan sa lahat ng mabuting bagay na ginawa niyo para sa akin at sa amin ng mga kapatid ko. Sa pag-aaruga at pagpapalaki sa amin, hanggang sa patuloy na pag bigay ng mga hiling at pangangailangan namin. Maraming Salamat sa inyo nanay at tatay.

Kayo ang naging kasangga at gabay ko sa aking mga pagsusubok at problema. Hindi ko malilimutan ang mga panahon na hinang-hina ako at nandiyan kayo sa tabi ko handang tumulong… Salamat rin po pala sa malaking parte niyo sa pagtupad sa mga pangarap ko. Dahil ramdam ko ang pagmamahal niyo at suporta sa mga mabubuting bagay na gagawin ko.

Sana patawarin niyo ako sa mga minsan kong pagsagot sa inyo. Sa hindi ko pagsunod at pagrespeto sa inyo. Patawarin niyo rin ako sa pagiging pasaway ko. Sana mapatawad niyo ako sa mga maling gawain na nagawa ko…