IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
Ano ang kahulugan ng pag nagtanim ng hangin bagyo ang aanihin. Ang iba naman ay sinasabi itong “Kapag hangin ang itinanim bagyo ang aanihin”.
Ito ay isang salawikain. Sa Ingles ay "proverbs". Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga katutubong karunungan.
Sa katunayan, ang salawikaing nabanggit mo ay hindi ganoon kadalas ginagamit sa kasalukuyan. At dahil diyan, walang tiyak o walang siguradong akmang kahulugan ang nasabi mong pahayag.
Sabi ni Manuel Caballero sa isang article niya, “proverbs and quotes from learned individuals serve as useful guides in the lives of people in society. Those are actually life instructions based on life lessons…
The first proverb is from Bulacan. It says, “Pag nagtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.” (If you plant wind, you will reap typhoon.)”
Anyways… subukan pa rin natin bilang ang salawikaing nabanggit ay maaaring nangangahulugang (1) kapag nagkimkim ka ng galit, maaari kang biglang sumabog at maging sanhi ng hindi pagkakaintindihan o kaguluhan; (2) kung mabuti o masama ang ginagawa ng isang tao sa kaniyang kapwa, mas higit pa roon sa ginawa niya ang babalik o karma sa kanya. Ang iba naman ay binibigyang kahulugan ito bilang (3) kung ang tao ay walang ginagawa o kaya naman ay may ginagawa pero hindi tama, magkakaroon siya ng mga problema.
Maraming nagsasabi na konektado o kapareho nito ang paniniwala sa karma, bad karma man ito o good karma.
Maaari ring ito ay ukol sa konsiyensya ng tao. Halimbawa sa isang senaryo:
[Overheard sa loob ng jeep]
Ate Gurl 1: Grabe, hindi man lang nirespeto ‘yung n a m a y a p a niyang ina at sa mismong b u r o l pa nagsabi ng kung ano ang mga hinanakit at t s i s m i s niya sa sarili niyang ina!
Ate Gurl 2: Hayaan mo na siya. Sabi nga, kapag hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin.
Ate Gurl 1: Nako, ganiyan nga kapag w a l a n g puso at konsensiya
Jeepney Driver: Oy! Sino’ng hindi pa nag-aabot ng bayad diyan?!
Ate Gurl 2: *pabulong kay Ate Gurl 1* Huwag kang tumingin sa drayber
Ate Gurl 1: Bakit?
Ate Gurl 2: Ako ‘yung hinahanap niya
Gusto o kailangan mo pa ba ng ibang sagot? Tingnan ang link na ito: Ano ang kaluhugan ng pag nagtanim ng hangin bagyo ang aanihin - https://brainly.ph/question/130301
Ang ilang pang salawikain gaya nito ay ang mga sumusunod:
Ano ang kahulugan ng nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa
Ano ang kahulugan ng kung hindi ukol hindi b u b u k o l
Kahulugan ng daig ng maagap ang masipag
Walang hindi mararating, pag nilakad ng taimtim
Gusto mo pa nang mas maraming salawikain? Tingnan ang link na ito: Anu-ano ang mga 15 halimbawa ng salawikain? - https://brainly.ph/question/65710 o kaya ang link na ito: 20 halimbawa ng salawikain - https://brainly.ph/question/282295
************
Dagdag kaalaman! Basahin ang kahulugan ng mga nabanggit na salawikain sa mga link na ito:
Ano ang kahulugan ng nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa - https://brainly.ph/question/138748 o kaya ito: https://brainly.ph/question/133092
Ano ang kahulugan ng kung hindi ukol hindi b u b u k o l - https://brainly.ph/question/135098 o kaya ito: https://brainly.ph/question/133142
Kahulugan ng daig ng maagap ang masipag - https://brainly.ph/question/112484
Walang hindi mararating salawikain - https://brainly.ph/question/80252
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.