Basahin ang akdang “Ang Alaga”, maikling kwento mula sa
East Africa ni Barbara Kimenya, isinalin sa Filipino ni Magdalena O.
Jocson. Isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng damdaming
namamayani sa sumusunod na tauhan sa akda.
A. pagkainis
B. panghihinayang
C. pagkagalak
D. pagkalungkot
E. pag-aalala
1. “ Mahal ko ang aking trabaho, ayoko pa sanang magretiro”.
2. “Napakabuti mo, aking apo, ang biglang pagbisita mo na may
pasalubong pa ay lubha kong ikinatuwa”.
3. “Napakalakas namang maghilik ng baboy na ito, napuyat tuloy
ako”.
4. “Mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lamang
kayo kukunan ng pahayag, magpahinga muna kayo.”
5. “Kailan man ay hindi pumasok sa aking isipan na kakainin ko ang
aking alagang hayop.”