Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Paki liwanag ang saknong 83-97 sa Florante at Laura ​

Sagot :

[tex]{\boxed{\boxed{\tt{answer}}}}[/tex]

Ang mga panaghoy ng nakagapos na tungkol sa mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan: ang pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan; ang akala niyang pagtataksil ni Laura; ang pagpatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama; ay nadinig lahat ng gererong Moro kaya tinunton niya ang boses na pinanggagalingan ng panaghoy.

[tex]{\boxed{\boxed{\tt{carryonlearning}}}}[/tex]

Florante at Laura : Paliwanag sa saknong 83-97

  • Saknong 83 - Sinaksak ni Aladin ang sandata niya sa lupa. At lumuha. Bigla siyang nakarinig ng buntong hininga. Yun pala ay si Florante, nakagapos pa sa puno.
  • Saknong 84 – Si Aladin ay nagulat. Siya ay sumigaw, at nakinig. Narinig niya muli ang mga hikbi.
  • Saknong 85 – Nag-taka si Aladin kung sino ang hihikbi sa gubat na yun. Alisto siyang nakinig.
  • Saknong 86 – Narinig ni Aladin na may nagtatanong kung bakit siya inulila ng kanyang ama.
  • Saknong 87 – Si Florante ay napaisip kung paano nahirapan ang kanyang ama sa kamay ng mga traydor.
  • Saknong 88 – Naisip din ni Florante kung gaano kalubha ang parusang ipinataw ni Konde Adolfo laban sa kaniyang ama.
  • Saknong 89 – Nararamdaman ni Florante ang paghihirap na naranasan ng katawan ng kanyang ama.
  • Saknong 90 – Nai-isip ni Florante ang luray-luray na labi ng kanyang ama, na hindi man lang binigyan ng disenteng libing.
  • Saknong 91 – Inisip ni Florante ang dating mga kaibigan ng kanyang ama na lumipat na sa panig  ng mga traydor. Naisip din niya ang mga kaibigan pa rin, subalit takot nang hawakan ang katawan ng kanyang ama at baka sila rin ay patawan ng parusa.
  • Saknong 92 – Parang nari-rinig ni Florante kung paano nagdasal ang kanyang ama na maproteksyonan si Florante mula sa kapahamakan.
  • Saknong 93 – Hiniling din ng kanyang ama na iwan na lamang si Florante sa ilalim ng mga bangkay sa parang ng digmaan, nang di malapastan gan ni Konde Adolfo ang kanyang mga labi.
  • Saknong 94 – Sinabi ni Florante na ang mga dalangin ng kanyang ama ay hindi natupad. Pinugutan pa rin ang ama niya.
  • Saknong 95 – Naa-alala ni Florante ang pagmamahal sa kanya ng kanyang ama. At siya ay lumuha.
  • Saknong 96 – Pinara-rangal ni Florante ang kanyang mapagmahal na ama.
  • Saknong 97 – Hindi magtatagal, at magkikita na muli si Florante at ang kanyang yumaong ama.

Pag-alala sa Ama (Buod) Saknong 83 – 97

Nang magkamalay si Florante ay hindi pa rin natatapos sa kaniyang pagpipighati. Ngayon naman ay naalala niya ang mga masasamang nangyari sa kanilang dating masayang bayan. Nang dahil sa bagong namumuno, nawala raw ang kanilang mga karapatan. Hindi rin niya malilimutan ang ginawang pagpaslang sa hari at mga kasapi nito kasama ang kaniyang ama. Dahil sa lakas ng pagluha ni Florante, narinig ito ni Aladin. Ngayon ay hinahanap niya  kung nasaan ang mapoot na tinig.

I'm not sure kung ganyan po yung hina-hanap nyo na answer, but hope this answer helped :).