Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
1. Ang tekstong naratibo ay isang teksto na nagsasalaysay patungkol sa buhay ng isang tao o isang pangyayari. Ang tekstong ito ay maaaring maglarawan, maglahad, mangatwiran, o di naman kaya ay magsalaysay.
Ang tekstong impormatibo ay isang tekstong impormatibo ay isang teksto kadalasan ay maikli, na nagbibigay impormasyon ukol sa isang bagay. Pinakamagandang halimbawa dito ay ang mga talata na nagbibigay impormasyon kung tungkol saan ang iyong nabiling produkto sa isang tindahan, o paano ito tamang gamitin, o kadalasan tawag natin ay manual ng produkto.
2.Ang tekstong naratibo ay tumutukoy sa mga tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang. Ang akdang di-piksyon ay isang naratibo dahil hindi ito gawa-gawa lamang ng isip gaya ng akdang piksyon at naglalaman ito ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang.
3.Sinasabing bahagi ng Pang araw-araw na buhay ang naratibong pagsasalaysay dahil ang naratibong pagsasalaysay ay nagpapahayag ng sunod sunod na pangyayari na maihahalintulad sa pang araw araw na buhay ng isang tao, ito ay ang mga karanasan, mga nangyari, nakita, nasaksihan. Ito ay maaaring maikli, mahaba, orihinal o nakakatakot, nakakatawa, nakakalungkot o masaya tulad ng pang araw-araw na buhay ng isang tao. Lahat ng ito ay katotohanan at base sa mga totoong naganap at may ibang naman na kathang-isip lamang. Ito ay madalas na ginagamit ng tao at nakadepende sa iba't ibang karanasan ng isang nagsasalaysay. Halimbawa nito ay nakikipagtalastasan ang tao sa kapwa nito.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.