Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Gawain 2: Pagtalakay sa akda
A. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang tunay na kayaman ayon sa binasang tula? Ibigay ang sariling kuro-
kuro tungkol sa kaisipang inilahad dito.
2. Sang-ayon ka ba sa may-akda na ang tao’y nabubuhay di lamang sa tinapay?
Pangatuwiranan.
3. Sino-sino sa ating lipunan ang may dilang maanghang at makwartang buwaya

sa parang? Ano ang masasabi mo sa mga taong ito?
4. “Kay Kristo sa Kanyang pagkakabayubay, gawaing dakila ay maiaalay”. Anong
dakilang gawain ang tinutukoy rito?
5. Ano-anong kaisipan ang mahahango sa binasang akda?



Yaman ay di lahat sa buhay ng tao,
Mayroon pang ibang mahigit pa rito,
Malinis na budhi, damdaming totoo
Sa iyong sarili at mga kapwa tao mo.
Pera’y kailangan sa mundong ibabaw
Lalong suliranin kung ito’y mawalay
Laging isaisip, tao’y nabubuhay
Di lamang sa pilak, di lang sa tinapay.
Taong makalimot sa mabuting asal
Walang dinidinig kahit anong aral,
Kagustuhan niya na mamaibabaw
Kahit na baluktot ay pinaiiral.
Kahit na mahirap ang isang nilalang
Sa yaman ay salat, sa ligaya’y kulang
Mabuting ugali, dila’y di maanghang
Daig ang makuwartang buwaya sa parang.
Ang tao sa mundo, minsan lang mabuhay
Bakit di iukol sa mabuting bagay,
Kay Kristo sa Kanyang pagkakabayubay
Gawaing dakila ay maiaalay.

Sagot :

Answer:

1. Mabuting asal o malinis na budhi at may takot sa Diyos

2. Oo dahil hindi lamang ang mga materyales na bagay ang mayroon/kailangan sa buhay ng isang tao. Kung walang pagmamahal at takot sa Diyos ang mga tao ay tiyak na hindi tayo mabubuhay ng matagal dahil ito'y parang wala ring silbi

3. Mga negosyanteng hindi kontento. Ang masasabi ko sa mga taong ito ay matutong makuntento dahil tulad ng ibang negosyante ay may sari-sarili ding pangangailangan ang kanilang mga trabahador na kailangang ipang tustos sa kanilang pangangailangan o mga pamilya.

4. Gumawa ng mabuti sa kapwa

5. Kagandahang asal, may takot sa Diyos at maging totoo sa kapwa ang tunay na kayaman.

Explanation:

para po sa karagdagang sagot:

https://brainly.ph/question/12827929