IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na dignus na ang ibig sabihin ay “karapat-
dapat”.

a. dignidad b. kalayaan c. kilos-loob d. konsensya
2. Saan nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng tao?
a. Sa panahon ng ating kamatayan.
b. Sa pagmamahal na natatanggap natin sa ating pamilya.
c. Sa mata ng Diyos at sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
d. Sa taglay niyang dignidad at mga karapatan na nakapaloob dito.
3. Ang dignidad ay ang likas na halaga ng isang tao. Ang pahayag ay
nangangahulugan na:
a. Lahat ng tao ay may halaga.
b. Angdignidad ay maaaring mawala sa iyo.
c. Simula kapanganakan ay taglay na natin ang dignidad.
d. Maaari nating makuha sa ibang tao ang ating dignidad.
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa konsepto ng dignidad ayon
kay Smykowski?
a. Self-Awareness b. Self-Confidence
c. Self-Love d. Self-Worth
5. Anong konsepto ng dignidad ang tumutukoy sa proseso ng pagtanggap sa
lahat ng bagay na bumubuo sa iyong pagkatao?
a. Self-Appreciation b. Self-Confidence
c. Self-Esteem d. Self-Worth
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Self Care o pangangalaga sa
sarili?
a. Naglalaan ng oras upang makapagpahinga.
b. Natutulog ng maaga at hindi nagpupuyat sa gabi.
c. Pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas.
d. Lahat ng nabanggit.
7. Ano ang pinakamagandang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa
iyong sarili?
a. Mahalin ang iyong sarili.
b. Mapaunlad ang iyong sarili.
c. Matanggap mo ang iyong buong pagkatao.
d. Maunawaan na ikaw ay espesyal at mahalaga bilang isang tao.
8. Bakit kaya hindi pantay-pantay na nilikha ng Diyos ang tao?
a. Upang ating maunawaan na kailangan natin ang ating kapuwa.
b. Upang matutuhan natin ang maging mapagbigay at mabuti sa kapuwa.
c. Upang maibahagi natin sa iba ang ating sariling kakayahan at talento.
d. Upang magkaroon tayo ng pagkakataon na mapaunlad ang ating sarili
sa iba’t ibang paraan.
9. Sino sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kaniyang dignidad bilang isang tao?
a. Si Maricar na laging kinukumpara ang kanyang sarili sa iba.
b. Si Monica na naniniwalang makakapasa siya sa board exam.
c. Si Mayan na hindi hinahayaang apakan ng iba ang kaniyang pagkatao.
d. Si Michelle na nageehersisyo tuwing umaga upang mapanatili ang
malusog na pangangatawan.

10.Alin sa mga sumusunod na pananaw mo sa buhay nakaaapekto ang pag-
unawa sa konsepto ng dignidad?
a. Nababago nito ang pananaw mo sa paglikha ng Diyos sa iyo.
b. Nababago nito ang pananaw mo sa pangangalaga sa kalikasan.
c. Nababago nito ang pananaw mo sa iyong sarili at pagkilala sa ibang
tao.
d.Nababago nito ang paraan ng pangangalaga mo sa iba pang likha ng
Diyos.