IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

mag bigay ng sampung pangungusap na may panlapi​

Sagot :

Answer:

Ang panlapi ay mga salitang ginagamit upang idugtong o idagdag sa salitang ugat. Maaring na idinagdag ito sa unahan, gitna o hulihan ng mga salitang-ugat upang makabuo ng isang panibagong salita.

Tatlong (3) Uri ng Panlapi

1. Unlapi – ito ang tawag sa panlaping idinaragdag o idinurugtong sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.

Pormula: Panlapi+SU

Halimbawa: mag + lakad = Maglakad

magtanim

Mahilig magtanim ng halaman si Maris sa kanilang bakuran.

mahusay

Mahusay sa klase ang anak ni Gng. Cruz na si Lenlen.

pagkabigat

Pagkabigat ng dalang bag ni Bb. Thelma.

nahulog

Umiyak ng malakas si Lito dahil siya ay nahulog sa puno.

palabiro

Ang saya ng kanilang klase sapagkat palabiro ang kanilang guro.

2. Gitlapi - tawag sa panlaping idinaragdag o idinurugtong sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-

Pormula: SU+Panlapi

Halimbawa: b +in + aon = binaon

pinasok

Hindi alam ni Ema na mali ang pinasok niyang trabaho.

pinalitan

Luma at madumi na ang gamit kong bag sa paaralan kaya pinalitan ito ni tatay.

gumagamit

Kaya pala ang kinis ng kanyang balat dahil gumagamit siya ng mamahaling sabon.

tumakbo

Hinabol siya ng aso kaya tumakbo siya ng mabilis.

sumayaw

Ang galing sumayaw ng idolo kong si Maja Salvador.

3. Hulapi - ang panlaping idinaragdag o idinurugtong sa hulihan ng salitang-ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.

Pormula: SU + Panlapi

Halimbawa: inom + in = inumin

kaligayahan

Ang tanging kaligayahan niya ay makitang masaya ang kanyang pamilya.

palitan

Mabilis pinalitan ang aming Punong Barangay dahil sa katiwaliang kanyang ginawa.

basahin

Bago sagutan ang mga pagsusulit kailangan munang unawain at basahin ang panuto.

pinagsabihan

Si Alice ay matigas ang ulo kaya pinagsabihan siya ni Aling Marta.

sabihin

Minarapat na sabihin ni Liza ang kanyang saloobin kay Luz.

Explanation:

Answer:

1.Mahusay

2.Palabiro

3.Tag-ulan

4.Makatao

5.umiyak

6.Malaki

7.Maganda

8.Maliit

9.umawit

10.Lumangoy

Explanation:

Sana nakatulong po