Ang gamit ng pandiwa bilang aksyon-- Ito ay may aksyon kung may tagaganap ng kilos na maaring tao o bagay. Mabubuo ang mga ito sa tulong ng mga panlapi tulad ng ma-, mang, at -um.
Ang gamit naman ng pandiwa bilang karanasan ay nangyayari lamang kung ito ay nagpapahayag ng karanasan at may damdamin kung saan, may nakaranas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Ito ay mas mabisa kung may tagaranas ng damdamin o saloobin ang sitwasyon.