Kagaya ng ibang bansa, ang
mga Hapones ay may kanya-kanya ding interaksyon sa kanilang kapaligiran.
Makikita ito sa mayamang kultura ng kanilang ipinagmamalaking "martial
arts" katulad ng aikido kung saan kinakailangan kang kumonekta o
makipag-ugnayan sa iyong kapaligiran upang magkaroon ng balanse at maayos
na maisagawa ang galaw aikido. Makikita rin ang pagpapahalaga nila sa kanilang mga likas na yaman , mga templo at iba pang bahagi na ng kanilang kasaysayan.