Ang paghahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. Pahambing na Pasahol o Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.
Halimbawa:
Mas maliit si Hans kaysa kay Ginny.
b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
Halimbawa:
Parehas na masarap ang luto nina Tiff at Isha.
--
:)