IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano ang heograpiya?
heograpiya ng asya?

Sagot :

Heograpiya

Kahulugan

Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa relasyon ng mga tao sa lugar na kanyang tinitirahan. Ito ay isa sa mga sangay ng social sciences. Dito pinag-aaralan ang mga pisikal na katangian ng mundo at ang epekto nito sa mga tao. Nagkakaroon din ng pang-unawa sa kultura ng mga tao. Ito ay kaugnay ng kasaysayan.

Mahalaga na pag-aralan ang heograpiya upang magkaroon tayo ng mas malalim na pag-intindi sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Ito ay dahil karamihan sa mga nangyayari ay bunga ng mga pagbabago sa pisikal na katangian ng daigdig.

Kahalagahan

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng kahalagahan ng heograpiya:

  1. Nalalaman ang mga anyong tubig at iba pang likas na yaman
  2. Pinag-aaralan ang topograpiya ng lugar
  3. Nalalaman ang ugnayan ng kultura ng tao sa kanyang lugar na pinagmulan

Heograpiya ng Asya

  • Pinakamalaking kontinente
  • Binubuo ng 48 na bansa
  • May sukat na  44.58 million km²
  • May populasyon na 4.561 billion

Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa iba pang kahulugan ng salitang heograpiya https://brainly.ph/question/4924634

#LearnWithBrainly