Sagot :

Ang pisikal na istraktura ng daigdig ay binubuo ng tatlong patong o bahagi. Ito ay ang mga sumusunod:  

  1. Crust - Ito ay ang matigas at mabatong bahagi ng daigdig kung saan ito ang pinaka nakaibabaw. Ang sukat ng kapal nito ay 45 na milya pailalim. Sa bahaging ito ng mundo matatagpuan ang malalaking tipak ng bato na tinatawag na plate, kung saan nakaibabaw ang mga anyong lupa ng bawat kontinente. Ayon sa pag-aaral halos isang porsyento lamang ito ng kabuuang sukat na bahagi ng mundo.  
  2. Mantle - Ang bahaging ito ay may malambot na istraktura na dulot ng napakataas na temperatura kung kaya't natutunaw ang mga bato na matatagpuan dito. Meron itong kapal na 1,800 na milya palalim na humigit kumulang walumpung porsyento ng kabuuang sukat ng daigdig.  
  3. Core - Dito matatagpuan ang mga element na iron at nickel. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang panloob at panlabas na core. Ang panloob na core ang nagsisilbing gitna ng daigdig. Nagtataglay ito ng pinakamainit na temperatura kumpara sa ibang bahagi ng mundo. May sukat na mahigit dalawang libong milya ang radius ng kabuuan ng core.  

Pagkabuo ng Mundo

Ang mundo o ang planetang Earth ay nabuo noong mahigit apat na bilyong taon na ang nakakalipas. Nagsimula lamang ito bilang isang mainit na bato na hugis bola. Ayon sa iba't-ibang teoryang nabuo, nag-iba ang pisikal na istraktura nito.  

#BetterWithBrainly

Karagadagang impormasyon ukol sa layers ng mundo:

https://brainly.ph/question/1602194 (nakasalin sa wikang Ingles)

https://brainly.ph/question/1511143