IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Ilarawan ang istraktura ng daigdig

Sagot :

Ang mga Istraktura ng daigdig ay ang mga sumusunod:

  • Crust - ang bahaging ito ng planeta ay matigas at mabato. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim sa mga kontinente, sa karagatan ito ay may kapal lamang na 5-7 km.  
  • Mantle - ito ay nasa ilalim ng crust, isang patong ng mga batong napakainit kung kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.  
  • Core - Ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.

Ang daigdig ay may tinatawag na mga plate o mga malaking masa ng solidong bato. Hindi nananatili ang mga plate sa posisyon nito. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang nangyayaring paggalaw ng mga plate ay napakabagal, it ay umaabot lamang 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.

Kahulugan ng HEOGRAPIYA

Ito ay isang paksang may napakalawak na saklaw. Nakapaloob sa pag-aaral ng Heorrapiya ang tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig. Ang salitang “heograpiya” ay hango sa salitang greek na geographia. Ang katumbas ng salitang geo ay “lupa” at ang graphein ay “sumulat”.  

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kahulugan ng Heograpiya tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/167359

Sangay ng Heograpiya

  1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography) - Agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa kapaligiran.
  2. Heograpiyang Pantao (Human Geography) - Agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Sangay ng Heograpiya tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/128987

Mga Saklaw ng Heograpiya

  1. Anyong Lupa at Anyong Tubig
  2. Likas na Yaman
  3. Klima at Panahon
  4. Flora (Plant Life) at Fauna (Animal Life)
  5. Interaksyon at Distribusyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Saklaw ng Heograpiya tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/140515