Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ANO ANG KAHULUGAN NG KASABIHAN?

Sagot :

Ang ibig sabihin ng kasabihan ay  isang koleksyon ng mga maikling, pahayag na may kaugnayan sa isang partikular na tao. Karaniwang nang nanggagaling ito sa mga matatalino at makaranasang mga tao lalung-lalo na ng pinuno ng pulitika o relihiyon. Ang kasabihan ay maaari ding anumang maayos na pagkakasulat o salitang nagpapahayag na lalong hindi malilimot dahil sa kahulugan nito o estilo. Ang kasabihan ay mga matatalinong mga salita, payo, at saloobin.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/419381

Mga Halimbawa ng Kasabihan

  1. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
  2. Ang taong nagigipit sa patalim man ay kumakapit.
  3. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang.
  4. Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.
  5. May tainga ang lupa may pakpak ang balita.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: brainly.ph/question/134202

Dahilan ng pagkakapareho ng Kasabihan sa Salawikain at Kawikaan

  • mga maiksing pangungusap na lubhang makahulugan
  • ang pakay ay magbigay patnubay sa ating pang - araw araw na pamumuhay
  • naglalaman ng karunungan

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: brainly.ph/question/326315