Ang panitikang mediterranean ay naging batayan ng iba't-ibang likhang-sining sa buong mundo. Ang pag-unlad ng sistema ng pagsulat na natuklasan ng mga mediterranean ay unti-unting umunlad. Ito ay nagdala ng pagbabago sa kasaysayan ng mundo. Higit na nahubog nito ang kaugalian at kultura ng mundo dahil sa mga pagbabagong dala nito tulad nalang ng mga bagong imbensyon na nakapagpagaan ng mga gawain ng tao. HIgit ding umangat ang kabuhayan at lalong naintindihan ang kultura ng iba't-ibang bansa at ang kani-kanilang mga kasaysayan dahil sa mga akdang panitikan na dulot ng panitikang meditarranean. Malaki ang impluwensiya ng panitikang mediterranean lalo na sa kaugalian na pagka mahusay at pagkamalikhain ng tao.