IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Ang kataga ng planetang daigdig
Ito ay tumutukoy sa disenyo ng ating mundo, at kung paano ito naaayon sa kinalalagyan nito. ito ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong bahagi ng planeta. Sa lahat ng nadiskubreng planeta, ito lang ang pwedeng tirahan ng tao. Ang planetang daigdig ay kilala din sa katagang mundo. Ito ang pangatlong planeta mula sa Araw sa sistemang solar at ang pinakamalaki sa apat na planetang terestiyal.
Explanation:
Ang planetang daigdig lamang ang katawang pamplaneta na maaaring tumira ang mga buhay na organismo tulad ng hayop, halaman at tao. Sa lahat ng planetang daigdig ang mundong ating tinitirhan ay nag-iisang globo na may napapaloob na buhay.
Paano ito naaayon para sa mga buhay na napapaloob nito?
1. Naging maayos ang takbo ng buhay dahil sa tinatawag na "life cycle", ibig sabihin hindi na natin kailangan pa ng oksiheno mula sa ibang planeta dahil sa loob lang ng planetang ito ay umiikot ang mga pangangailangan upang ang lahat ay mabuhay.
2. Maayos ang pagkakalagay ng planeta natin dahil nasa eksaktong layo nito sa araw, kung ito'y sobra sa layo ay maaaring maging niyebe ang buong planeta at walang mabubuhay na halaman na siyang magbibigay oksiheno sa tao.
3. Kung sobrang lapit naman ng araw sa ating mundo ay wala nang mabubuhay pa na kahit ano dahil ang lahat ay matutunaw. Kaya eksakto lang talaga ang pagkadisenyo ng ating planeta.
Kahit pa sasabihin nating maganda ang pagkakalagay ng ating planeta ngunit ang tao naman ang naging sanhi ng pagkakasira nito.
Anu-ano nga ba ang naging dahilan?
Mga sumusunod na halimbawa:
● Illegal logging.
● Global warming.
● Maruming basura.
● Pagpapatayo ng mga kompanya.
Ang mga ito ay hindi makakabuti sa kaayusan ng ating mundo dahil nakakapinsala ito ng maraming buhay.
Karagdagang impormasyon ang mga link sa ibaba:
Kataga ng planetang daigdig.
https://brainly.ph/question/145971
Kahulugan ng planetang daigdig.
https://brainly.ph/question/625009
Kabuluhan ng planetang daigdig.
https://brainly.ph/question/127635
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!