Ang ilan sa mga salita na maaring gamitin sa paglalarawan ng pamilya ay ang sumusunod.
1. pag-ibig- Ang tanging bagay na nagiging rason ng mga tao na magkasama, sa kabila ng mga pagkakaiba, ay pagmamahal sa pamilya
2.pagtanggap- Ang lahat ay may angking kagandahan, ito'y hindi nakikita ng lahat, ngunit ang pamilya ay ang tanging nakakatanggap ng buo sa iyo.
3.kaligayahan at kasiyahan--Ang isang pagtitipon-tipon ng pamilya ay isang pagkakataon kung saan ang maraming miyembro ay mas pinalawak at pinangalagaan ang magandang relasyon sa isa't-isa. Ang lahat ay nagkasiyahan at nagkatuwaan sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap sa buhay.