IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

Ano ang kahalagahan ng Araw ng kalayaan ?

Sagot :

Ang Araw ng Kalayaan ay mahalaga sa bawat tao na pangunahin sa kanyang buhay ang nasyonalismo. Kaya kadalasang ito ay pinapahalagahan taon-taon at ipinagdiriwang.  Ipinapaalala nito kasi na naging malaya ang isang bihag na bansa sa petsang iyon.  Sa Pilipinas, idineklara ang Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 1898 mula sa malupit na kamay ng mga Espanyol.  Ang araw na ito ay masayang araw para sa maraming Pilipino noon. Ang kahalagahan ng araw na ito ay itinatak maging sa limang-pisong papel noon kung saan ay nakaguhit ang deklarasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite – patunay na gustong ipaalala sa mga susunod na henerasyon ang masayang araw na ito. 

 

Kaya mula noon, kinilalang malayang bansa na ang Pilipinas at patatakbuhin ito sa pamamagitan ng pamamahala ng mga Pilipinong Lider. Gumawa rin ng sariling Konstitusyon upang hindi na maulit ang nangyaring pananakop at pang-aalipin.  Pinalakas ang samahan ng mga komunidad, nagkaroon ng sariling sistema ng mga edukasyon at itinaguyod sa kalaunan ang karapatang pantao.

 

Ipinapakita ng kasaysayang ito na ayaw ng sinumang tao ang mabihag at maging alipin ng kanyang kapwa.  Pero hindi lingid sa kabatiran ng maraming tao, na ang mga namumuno ngayon ay masekretong umaalipin sa kanilang nasasakupan dahil ito sa kanilang mga kalukuhan, kasakiman at mga tusong pakana.  Kaya talaga bang malaya ang mga Pilipino?  Lumilitaw na mukhang sa akala lang.