Ang bansang singapore ay isang modernong lungsod at isla sa Timog-Silangang Asya na tinaguriang "The Lion City". Ito ay nasa katimugang dulo ng Malay Peninsula at 137 kilometro (85 mi) hilaga ng equator. Ang teritoryo ng bansa ay hugis brilyante na karaniwang tinutukoy bilang "Singapore Island"sa Ingles at Pulau Ujong sa Malay. Ito ay may higit sa 60 makabuluhang mas maliit pang mga isla.
Ang bansang ito ay isa sa mga pangunahing "commercial hubs" sa mundo. Pang apat din ito sa pinakamalaking "financial center", at ang isa sa dalawang pinakamataas na "busiest container port" sa buong mundo sa nakalipas na sampung taon.