IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Ang kahulugan ng PACIFIC
OCEAN o KARAGATANG PASIPIKO ay “PAYAPANG LAOT”.
Ang salitang Pasipiko ay mula sa salitang Latin na Mare Pacificum. Ito ay
iginawad ng Portuguese na eksplorador at manunuklas, si Ferdinand Magellan, na
siyang naglayag para sa korona at kaharian ng Espanya.
Ngunit hindi sa etimolohiya ang dahilan kung bakit tanyag ang Karagatang
Pasipiko kundi dahil ito ay kilala bilang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig.
Kinabibilangan ito ng isang katlo (1/3) ng buong kalatagan ng lupa na siyang
may sukat na 179+ milyong kilometro kwadrado.
Ang Karagatang Pasipiko ay naglalaman o pumapaligid sa halos 25,000+ na mga
pulo. Matatagpuan karamihan sa timog ng ekwador ang mga pulong naliligiran ng
Pasipiko. Sa kanlurang baybayin ay may mga laot: Dagat Selebes, Dagat Korales,
Dagat Timog Tsina, Dagat Silangang Tsina, Dagat Hapon, Dagat Luzon, Dagat Sulu,
Dagat Tasman at Dagat Dilaw.
Ang Karagatang Pasipiko o Pacific Ocean ay isa sa limang karagatan sa daigdig. Ang apat ay ang mga Indian Ocean, Southern
Ocean, Atlantic Ocean (Karagatang Antarctica)
at Arctic Ocean (Karagatang Atlantiko).
(Tingnan ang link na ito dahil may
kaugnayan sa iyong tanong: anu ano ang 5 karagatan ng daigdig - https://brainly.ph/question/22994)
Ang mga dagat sa Pilipinas ay isa sa
mga nasasakupan ng Karagatang Pasipiko dahil ang bansang ito ay isa sa mga archipelago
ng nasabing karagatan. Ang Dagat Pilipinas o ang ating Philippine
Sea ay isang lamang na bahagi ng kanlurang Karagatang Pasipiko. Ito ay pinaliligiran
ng Palau sa timog, Pilipinas at ng Taiwan sa kanluran, Japan sa bandang hilaga,
at ng Marianas sa gawing silangan naman.
Ang Pasipiko ay may kaugnayan sa heograpiya
ng Pilipinas batay sa lokasyon nito. Nakaaapekto ang mga yamang
nanggagaling sa Pasipiko para sa nasabing bansa.
Nakuha nito ang pangalang pasipiko dahil napansin ng ekplorador ang bihira at
kakaiba nitong kalmadong katubigan at mapayapa ang naging paglalayag ng
manunuklas mula sa isang kipot hanggang sa madiskubre ang bansa natin, ang
Pilipinas.
(Basahin ang iba pang kasagutan sa link
na ito: Ano ang kahulugan ng pacific ocean -
https://brainly.ph/question/121868)
Naging banayad man ang mga paglalakbay ay hindi nangangahulugan na lagi itong
mapayapa dahil sa dami ng bagyo o mga hurricanes kung tawagin ang nagsisimula at
tumatama sa mga isla ng Pasipiko.
Ang mga lupain din sa paligid ng nasabing karagatan ay puno ng mga bulkan.
(Basahin ang tungkol sa Ring of Fire dito:
Ano ang pacific ring of fire sa tagalog - https://brainly.ph/question/630831)
At dahil sa mga bulkan na ito ay madalas niyayanig ng lindol ang
karagatan at ang mga bansang naliligiran ng Pasipiko. Isa pang naidudulot ng
mga pagsabog ng bulkan at pagyanig ng mga lupa ay ang paglindol sa ilalim ng
tubig na nagiging sanhi ng tsunami. Ang tsunami ay nakawawasak ng maraming bayan
at kaya rin nitong makapagpabura ng maraming pulo. Sa iba nating salita, ang tsunami
ay tinatawag natin na daluyong. Ang dulot ng mga lindol sa ilalim Pasipiko ay
nagdudulot ng maraming kapahamakan.
****************************************
Narito ang ilang mga link na may kaugnayan at maaaring makatulong sa’yo:
Ano ang mga uri ng kalamidad - https://brainly.ph/question/558422
Mga tungkulin ng NDRRMC - https://brainly.ph/question/521900
Have you ever experienced being devastated by a strong typhoon? an earthquake? A tsunami? How did you feel then? - https://brainly.ph/question/761739
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.