Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
SALAWIKAIN, SAWIKAIN AT KASABIHAN
Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa tamang landas at kabutihang asal. Karaniwan itong may sukat at tugma. Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Samantalang ang kasabihan naman o saying ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng payo o impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng tao.
MGA HALIMBAWA:
SALAWIKAIN (PROVERBS)
- “Anak na di paluhain, magulang ang patatangisin”
- “Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim”
- Kung ano ang itinanim, siyang aanihin
- Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot
- Daig ng maagap ang masipag
- Ubos-ubos biyaya, pagkatapos ay nakatunganga
- Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa
SAWIKAIN (IDIOMATIC EXPRESSION)
- butas ang bulsa - walang pera
- ilaw ng tahanan - ina, nanay
- bukas ang palad - matulungin
- ibaon sa hukay - kalimutan
- Amoy Pinipig - mabango
- Kabiyak ng Dibdib - asawa
- Lantang Gulay - sobrang pagod
- Nagsusunog ng Kilay - masipag mag-aral
- Pag-iisang Dibdib - kasal
- Makapal ang Palad - masipag
- Kilos Pagong - mabagal
KASABIHAN (SAYING)
- Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
- Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
- Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
- Ang batang iyakin, nagiging mutain.
- Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
- Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
- Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
- Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
- Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
- Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.
- Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
- Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
- Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
- Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
Para sa Karagdagang Kaalaman ukol sa pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/312596
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.