Ang panitikang mediteranean ay naging batayan ng ibat-ibang panitikan sa buong mundo. ito ay nag iwan ng pamanang pagkamahusay at pagkamalikhain ng tao at nagpapagaan ng mga gawain nito. Ang sinaunang panitikan ng mediteranean ay siyang nakatuklas ng sistema sa pagsulat na nagsilbing simpleng kumonikasyon sa iba pang sining at panitikan. Mula sa simbolong larawan, ang sistema ng pagsulat ay unti-unting umunlad dahilan ng paghubog at pagkabago ng kasaysayan ng mundo.