Dahil ang bansang Indonesia ay matatagpuan sa isang fault line, madalas itong nakakaranas ng lindol at pagputok ng bulkan at naging dahilan ng pagkasira bahay at gusali at pagkamatay ng maraming tao. Minsan, ito din ang naging simula ng sunog.
Ang ilang anyong tubig sa bansa ay naging marumi dahil sa hindi wastong pagtambak ng "industrial wastes". Gayunpaman, may mga pamilyang patuloy na kumukuha ng tubig sa maruming ilog upang gamitin at inumin.
Sa kabilang dako naman, ang mga magsasaka ay napilitang gumamit ng "slash-and-burn farming na minsa'y naging dahilan ng pagkasunog ng kagubatan.