Ang karunungang bayan ay isang bahagi ng panitikan kung saan ipinapahayag ang mga kaisipan tungkol sa kultura ng iba't ibang tribo sa daigdig. Ang karunungang bayan ay masasabi nating salamin ng pagiging Pilipino sapagkat ito ay mga panitikang hango sa kulturang Pilipino na ipinapahayag sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng panitik ng sa gayon ay mapanatili ang kahalagahan ng kultura at kabihasnan. Ang karunungang bayan na naiiwan sa iisang tribo ang nagsisilbing rekord o patunay ng nakaraang pamumuhay at kultura sa nasabing lugar dahil sinasalamin nito ang antas ng kabihasnan meron dati ang lugar.