Answered

IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Buod ng akdang psyche at cupid sa tagalog

Sagot :

CUPID AT PSYCHE  (BUOD)

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging immortal na rin si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.  

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Nagging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.

Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay mala yang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at irto ay pinahirapan niya ng husto. Iba’y ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

Mga link na may kaugnayan sa Cupid at Psyche:

  • Buod ng Psyche at Cupid: https://brainly.ph/question/122335
  • Mitolohiya ng Cupid at Psyche: https://brainly.ph/question/125984
  • Aral sa Kuwento ni Cupid at Psyche: https://brainly.ph/question/127574