Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na
nagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo. Unti-unting umunlad ang pagsulat
mula sa simbolong larawan, simpleng komunikasyon tungo sa likhang- sining at
panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay naging batayan ng iba’t
ibang uri ng panitikan sa buong mundo. Ilan sa mga panitikang tumatak at nakaimpluwensiya sa buong daigdig ay ang mitolohiya ng Rome,
sanaysay ng Greece, parabulang mula sa Syria, nobela at maikling kuwento ng
France, epiko ng Sumeria at tula ng Egypt.