Ang karunungang bayan ay isa sa mga
sinaunang panitikan ng Pilipinas na tumutukoy sa mga aral na nagmula sa
pang-araw araw na pamumuhay ng ating mga ninuno na nagsisilbing batayan at
gabay hanggang ngayon. Ang mga sawikain, salawikain at kasabihan ay mga uri ng
karunungang-bayan. Isang tanyag na halimbawa ng salawikain ay ang "Puri sa
harap, sa likod ay paglibak", at "kaibigan kung meron, kung wala'y
sitsaron". samantalang ang mga halimbawa ng sawikain ay "
alilang kanin, balitang kutsero, at buwaya sa katihan. Ang mga halimbawa naman
ng kasabihan ay "ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makakarating sa paroroonan".