Kalikasan--sa pinakamalawak na kahulugan, ay ang natural, pisikal o materyal na mundo o daigdig. Ito ay ang pangkalahatang lupain ng mga buhay ng mga halaman at hayop, at sa ilang pa sa mga proseso na kaugnay sa bagay na walang buhay. Ito ay ang paraan kung paano umiral at nagbago ang mga bagay ayon sa kanilang sarili, tulad ng taya ng panahon at heolohiya ng mundo.
Ang daigdig ay binubuo ng mga bagay na may buhay at walang buhay. Kabilang sa ekolohiya ng daigdig ang interaksyon ng mga bagay na may buhay sa kanilang kapaligiran kung saan ang pisikal na tirahan ang nagsisilbing kabuuang sangkap ng mga bagay na walang buhay tulad ng klima at heoliya, na patuloy na nakibahagi sa kanilang tirahan kasama ang iba pang mga bagay na may buhay.