Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Ano ano ang katangian ng pabula?????

Sagot :

Answer:

Katangian ng Pabula

  • Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng isang tao.
  • Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan laban sa kasamaan.
  • Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng mga hayop), ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin o problema.
  • Ang pabula ay kinapupulutan rin ng iba't ibang magagandang aral na maaring maisabuhay ng mambabasa. Ang mga aral na ito ay nagiging batayan sa tungo sa paggawa ng kabutihan.

Ipinalalagay na nagsimula ang pabula sa bansang Greece kay Esopo (Aesop), na isang aliping Griyego.

Talambuhay ni Aesop: brainly.ph/question/551388

Halimbawa ng Pabula

  • Ang Aso at ang Uwak
  • Ang Kuneho at Pagong
  • Ang Matalinong Pagong at Matsing
  • Ang Leon at ang Daga  
  • Si Alitaptap at si Paruparo
  • Ang Buwaya at ang Pabo
  • Si Paruparo at Langgam
  • Ang Lobo at ang Kambing
  • Si Langgam at si Tipaklong
  • Ang Agila at ang Maya

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:

brainly.ph/question/1521274

Layunin ng Pabula: brainly.ph/question/1723521

#BetterWithBrainly