Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking bituin, ang Araw. Tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig - halaman, hayop, at tao - ay kumukuha ng enerhiya mula sa Araw. Dahil, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran - mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon - ay naaapektuhan ng Araw. Mahalaga ang sinag ng Araw sa halaman, at ito ang nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang.