IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang mundo ay mayroon lamang 30% na bahagi ng kalupaan, ang natitirang bahagi nito ay nababalot na ng mga anyong tubig. Sa maliit na bahagi ng kalupaan, ito ay nahati sa pitong kontinente na mayroong iba't ibang mga bansa na kabilang rito.
Pitong Kontinente
- Asya - Ito ay mayroong pinakamalaking sukat ng kalupaan gayundin ang mga anyong tubig sa pagitan at napapaloob sa mga teritoryo nito. Ito ay mula sa hangganan ng bansang Japan hanggang sa timog-silangang bahagi ng Arabian Peninsula na mayroong tinatayang na mahigit kumulang 8,500 kilometrong layo. Dito matatagpuan ang pinakamataas at pinakamababang bahagi ng mundo.
- Aprika - Ito ay ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente. Nasasakupan nito ang pinakamalawak na desyerto sa buong mundo na tinatawag na Sahara Desert. Nasasakupan rin nito ang kahabaan ng ilog ng Nile na kilala sa buong mundo sapagkat mayroon itong pinakamahabang sukat. Nakilala ang kontinenteng ito sapagkat dito naninirahan ang mga hayop na tanging sa Aprika lamang nakakapamuhay ng malaya sa kalawakan ng kanilang kalupaan.
- Hilagang Amerika - Dito matatagpuan ang pinakamalaking pulo o isla, ito ay ang bansang Greenland.
- Timog Amerika - Tinatayang ang bilang ng populasyon na naninirahan sa kontinenteng ito ay mababa pa sa halos 12% ng kabuuang porsyento ng populasyon sa buong mundo.
- Europa - Nakilala ang kontinente bilang anak na babae ng Phoenix dahil sa pangalan nitong "Europa". Ito ay hango sa Greek Mythology.
- Antartika - Ang buong kontinente ay binabalot ng makakapal na yelo sa loob ng buong taon.
- Australia - Ito ay ang pinakamaliit na kontinente.
#BetterWithBrainly
Karagdagang kaalaman ukol sa bawat kontinente:
https://brainly.ph/question/311289
https://brainly.ph/question/2193846
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.