IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
“Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”
Kasabihang may dalawang bahagi na nagbibigay lalim sa mga tanong ukol sa pagka – ano at pagka – sino ng tao. Ang unang bahagi “madaling maging tao”. Ang bahaging nagpapakahulugan sa tanong ukol sa pagka – sino ng tao. Ang ikalawang bahagi “mahirap magpakatao”. Ang bahaging ito ang nagpapakahulugan sa tanong ukol sa pagka – ano ng tao.
Ang unang bahagi ay ang “madaling maging tao”. Ang bahaging ito ang nagpapakahulugan sa tanong ukol sa pagka – sino ng tao. "Sino nga ba ang tao?" Ang tao ay may isip at kilos – loob, konsensiya, kalayaan, at dignidad. Siya ang nilalang na kaiba sa hayop bunga ng kaniyang pagkarasyonal o kakayahang mag – isip at itakda ang kaniyang mga kilos para sa kabutihan at katotohanan o ang kaniyang pagkamalaya. Bukod sa pagkakaroon ng isip at kilos – loob, mayroon din siyang kamalayan patungo sa kanyang sariling kaganapan.
Ang ikalawang bahagi ay ang “mahirap magpakatao”. Ang bahaging ito ang nagpapakahulugan sa tanong ukol sa pagka – ano ng tao. "Ano nga ba ang tao?" Ang tao ay binubuo ng mga katangiang nagpapabukod – tangi sa kanya sa kapwa niya tao. Ito ay naayon sa kung paano siya mag – isip, kumilos, at magpasya. Ito ay hindi likas sa tao bagkus ay nahuhubog habang siya ay nagkakaedad o tumatanda.
Tatlong Yugto ng Pagka – sino ng Tao:
- ang tao bilang indibidwal
- ang tao bilang persona
- ang tao bilang personalidad
Ang tao bilang indibidwal ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Sa pagsilang niya sa mundo mayroon siyang kalayaan at kamalayan na maaari niyang gamitin upang buuin ang kanyang pagka – sino.
Ang tao bilang persona ay tumutukoy sa proseso kung saan nagsisikap ang tao na maging ganap. Kalakip nito ang pagtuklas at pagpapaunlad ng kanyang mga talent, hilig, at kakayahan.
Ang tao bilang personalidad ay tumutukoy sa pagkamit ng tao ng kanyang kabuuan bilang bunga ng kanyang pagsisikap na mabuo ang kanyang paka – sino. Ito ay nangangailangan ng pag – iisip, pagkagusto, pananalita, at pagkilos.
Ano ang ibig sabihin ng salitang tao: https://brainly.ph/question/1485961
#BrainlyEveryday
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.