Ang Singapore ay kumakatawan sa isang kahanga-hangang timpla ng magkakaibang kultura ng Malay, Chinese, Indian, at European. Ang pinaka-kapansin-pansin na bahagi ng kultura ng bansang Singapore ay ang "ethnic multipilicity" nito. Ang mga residente ng Singapore ay may ibat-ibang pinaniniwalaan ayon sa kanilang indibidwal na pagpipilian. Ang populasyon ng mga Instik sa Singapore ay may isang mataas na bilang ng mga Buddhist, Kristiyano, at mga Katoliko.
Karamihan naman ng populasyong Malay ay mga Muslim, habang ang mga Indiyano sa Singapore ay pangunahing mga Hindu.
Mayroon ding iilang mga "free-thinkers" o ang mga "atheists". Ang bansang Singapore ay hindi nagpalaganap ng ang anumang opisyal na relihiyon. Gayunpaman, ang mga bansa ay sinangayunan ang kahalagahan at etikal na pamantayan ng Confucianism.