Ang daigdig ay binubuo ng tatlong pangunahing istruktura, ang crust, ang mantle at ang core. Ang crust ay nasa pinakaibabaw na bahagi ng daigdig na kinabibilangan ng mga tipak na lupain. Ang mantle naman ay ang sumunod na bahagi ng crust, kung saan binubuo ng mga maiinit at patung-patong na mga bata. Ang core ang pinakaloob-loobang bahagi ng daigdig kung saan matatagpuan ang iba't ibang uri ng mineral.