IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

10 halimbawa ng karaniwang ayos at di karaniwang ayos

Sagot :

10 Halimbawa ng Karaniwang ayos at di Karaniwang ayos ng Pangungusap

May dalawang ayos ang pangungusap, ito ay ang mga sumusunod;

  • Karaniwang Ayos
  • Di-karaniwang Ayos

Karaniwang Ayos

-ito ang ayos ng pungungusap kung saan nauuna ang panaguri (tumutukoy tungkol sa simuno) bago ang simuno (ang pinag-uusapan) sa pangungusap.

Mga 10 Halimbawa ng Karaniwang ayos ng Pangungusap

  1. Nagsitakbuhan sa halamanan ang mga bata.
  2. Nagkakaisa at nagtutulungan ang mga opisyal ng San Diego.
  3. Naging matapat sa tungkulin si Ginang Cruz.
  4. Umalis ng maaga sa bahay ang mga bisita.
  5. Lumahok sa pambansang palaro si Baldo.
  6. Lumayas sa kanilang bahay si Boskie.
  7. Mayaman sa yamang-tao ang bansang Pilipinas.
  8. Maganang kumain sa umaga at hapon ang mga alaga kong hayop.
  9. Tumatakbo sa gita ng dilim ang kabayong puti.
  10. Nasa malayong lugar ang kanyang mga magulang.

Di-Karaniwang Ayos

-ito ang ayos ng pungungusap kung saan nauuna ang simuno (ang pinag-uusapan) bago ang panaguri (tumutukoy tungkol sa simuno) sa pangungusap.

Mga 10 Halimbawa ng Di-karaniwang ayos ng Pangungusap

  1. Ang mga bata ay nagsitakbuhan sa halamanan.
  2. Ang mga opisyal ng San Diego ay nagkakaisa at nagtutulungan.
  3. Si Ginang Cruz ay naging matapat sa tungkulin.
  4. Ang mga bisita ay umalis ng maaga sa bahay.
  5. Si Baldo ay lumahok sa pambansang palaro.
  6. Si Boskie ay lumayas sa kanilang bahay.
  7. Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa yamang-tao.
  8. Ang mga alaga kong hayop ay maganang kumain sa umaga at hapon.
  9. Ang kabayong puti ay tumatakbo sa gita ng dilim.
  10. Ang kanyang mga magulang ay nasa malayong lugar.

5 karaniwang ayos at 5 di karaniwang ayos tungkol sa panahon​ https://brainly.ph/question/2148330

Mag bigay ng mga halim bawa ng karaniwang ayos at di karaniwang ayos https://brainly.ph/question/2152486

Halimbawa ng pangungusap na nasa di karaniwang ayos https://brainly.ph/question/218171