Malaki ang katuturan at kahulugan ng limang tema ng heograpiya gaya ng lugar, rehiyon, lokasyon, paggalaw at interaksyon ng tao sa kapaligiran sapagkat sila ang direktang naaapektuhan kapag isa sa kanila ay lumihis sa natural nitong anyo o layunin. Ang lokasyon ay
tumutukoy sa kinalalagyan o kinaroroonan ng iba't ibang lugar sa daigdig samantalang ang lugar naman ay ang mga natatanging katangian na matatagpuan
sa isang lugar. Ang pagkakabuklud-buklod ng magkaparehong kultural at
katangiang pisikal ng isang lugar ay pinangalanang rehiyon habang ang paggalaw ay
tumutukoy sa pagkilos o paglipat ng mga tao sa naunang lugar na tinirhan patungo sa ibang lugar. Samantalang, ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran ay ang
relasyon o ang pakikipag-ugnayan ng tao sa lugar na kanyang kinaroroonan at siyang pinagkukunan nito ng pangangailangan.