Sagot :

Answer:

Isa sa pinaka-masayang bahagi ng buhay ay ang pagkakaroon ng kaibigan. Yung sa hirap at saya, kalokohan at tawanan ay lagi mo siyang kasama. Maraming ala-ala ang nabubuo tuwing kasama natin ang ating kaibigan at sa tuwing may nakikilala tayong mga bagong kaibigan. Bagaman may kaibigang panandalian lamang natin kung makilala, nag-iiwan naman sila ng mga di malilimutang ala-ala na hanggang sa iyong pagtanda ay iyong dala-dala. Pinagpala ka namang maituturing kung hanggang sa pagtanda ay kasa-kasama mo pa rin ang iyong kaibigang matalik. Tunay ngang ang mga kaibigan ay kaloob ng Panginoon sa atin.

Explanation:

PA follow po

Answer:

Ang aking mga kaibigan Ay lagi kong maaasahan, Kasama ko kahit saan, Nagdadala ng kasiyahan.

Kapag ako ay may problema, Sila ay lagi kong kasama, Tulong nila’y lagi kong dama, Pagdamay ay laging kasama.

Tanggap naming ang bawat isa, Kahit walang laman ang bulsa, Sa bawat isa ay umaasa, Pag-susulit ay lagging pasa.Ang ugali man ay iba-iba, Kami’y komportable, walang kaba, Estado’y mataas o mababa, Kami’y walang pag-kakaiba.

Kanya-kanya man ng minamahal, Magkakasama sa pagpasyal, Kahit kami’y hindi sosyal, Ang bawat isa’y aming mahal.

Explanation:

Sana nakatulong!