IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.


2. Ano ang kahalagan ng pagkakaroon ng pananampalataya at pananalig
sa Diyos sa iyong buhay?


Sagot :

Answer:

Napakaimportante ng pananampalataya sapagkat ito ang siyang daan upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa ating Panginoon.Nalalaman at nabibigyan natin ng halaga ang kaniyang mga banal na salita.Ang pagkakaroon din ng matibay na pananalig sa ating Diyos ang siyang magsisilbing instrumento upang tayo ay maging isang mabuting tao.Natututunan ang mga magagandang gawain para sa ating sarili at maging sa ating kapwa.Ang pananampalataya din ay ilaw na siyang nagbibigay tanglaw sa karamihan sa atin.Ito ang bumubuhay ng ating pag-asa at siyang nagbibigay  ng lakas ng loob upang tayo ay patuloy na lumaban sa mga hamon ng buhay.Ang matibay na pananalig din ang siyang daan upang magkaroon ng kapayapaan sa ating sarili at maging sa ating lipunan.Nagkakaroon ng katihimikan at nawawala ang gulo sanhi ng maruming pag-iisip.Higit sa lahat,ang pananampalataya ang siyang tulay tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan.Nagtutulungan ng sama-sama ang bawat isa dala-dala ang kabutihan sa kanilang mga puso.

Explanation:

Answer:

Mahalaga ang pananampalataya.

Explanation:

Bakit? Siguro’y alam ntin lahat na ang Dios ang gumawa satin at nagbigay satin ng buhay. Sa pamamagitan ng pananampalataya, naipapakita natin kung gaano tayo ka grateful sa ginawa nya satin.